DISKRIMINASYON TUTULDUKAN

HINDI na maaaring tanggihan ng mga employer ang mga aplikanteng Moro, Katutubo at maging ang mga taong mula sa ibang relihiyon matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagbabawal na i-discriminate ang mga ito.

Sa botong 208 pabor at walang tumutol, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 8243, o ang “Equality and Non-Discrimination on Race, Ethnicity, and Religion Act.”

Inakda ito ng 88 congressmen sa pangunguna nina Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan, Basilan Rep. Mujiv Hamatan, AnakMindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan at iba pa.

“Tagumpay ito ng lahat ng Pilipinong naging biktima ng diskriminasyon, kasama na ang mga kapatid nating Moro at mga katutubo. Kapag maisasabatas ang panukalang ito, wala nang inosenteng Moro ang maaaresto sa isang krimen. Wala nang hindi matatanggap sa trabaho dahil lamang siya ay may suot na hijab,” ani Hataman.

Nakasaad sa nasabing batas na ang mga lalabag ay may parusang kulong ng hanggang anim na buwan at multang aabot sa P100,000. (BERNARD TAGUINOD)

481

Related posts

Leave a Comment