INARESTO ang pulis na nadismiss dahil sa hayagang pagbatikos sa gobyerno at matataas na opisyal ng PNP matapos ang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Hinuli si Francis Steve Fontillas, sa Pacamara Ext. Commonwealth, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Branch 224 Judge Zita Marie Atienza-Fajardo sa kasong Sedition at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act na may piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaan na nag-ugat ang kaso ni Fontillas makaraan n itong hayagan akusahan ang gobyerno na kanyang ina-upload sa social media noong aktibo pa ito sa PNP.
Nauna nang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms noong Marso 12 at 13, 2025 ang kanyang mga post.
Nito lamang nagdaang buwan sinipa ng National Police Commission o Napolcom si Fontillas makaraang mapatunayang guilty sa mga kasong grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer, at disloyalty to the government.
(TOTO NABAJA)
