MARIING pinabulaanan kahapon ng Armed Forces of the Philippine ang ipinamalita ng China na nagsagawa sila ng joint sea and air patrols sa katubigan ng West Philippine Sea kasabay sa isinasagawang Joint Maritime Activity sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
“Reports like these are mere attempts at misinformation, disinformation, and malinformation to shape the internal and domestic narrative of the Chinese Communist Party’s illegal claims in our maritime domain,” ani Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.
Pinabulaanan ni RAdm. Trinidad ang ipinakalat na mga balita at pahayag ng China Southern Theater Command, na nagsagawa sila ng joint sea and air patrols sa katubigan ng West Philippine Sea, dahil wala namang na-monitor na ganito ang Philippine Navy.
Sa ginanap na AFP weekly press briefing sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Armed Forces of the Philippines Headquarters, kinumpirma ni Trinidad na wala silang na-monitor na anomang mga koordinasyon mula sa China hinggil sa naturang pagsasagawa ng patrolya sa WPS.
“Southern Theater Command, each time there is a bilateral or multilateral maritime activity between the Philippines and our partner nations, is that on the conduct of the activity, they do not have any coercive or aggressive actions. What we have noticed is after the activity, they would come up with malign influence or fake news stating that they have conducted patrols in the vicinity of our maritime domain. If they could consider it a patrol, if you look at the news, they mentioned coordinated air and sea patrol. We did not monitor any such coordinated air and sea patrol.
Tanging mga ilegal na presensya lamang ng Chinese Communist Party ang kanilang namataan sa WPS, habang nagsasagawa ng maritime exercises ang Pilipinas kasama ang Japanese Navy.
Paliwanag pa ng tagapagsalita, malinaw na isang paraan ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon at pagpapalaganap ng fake news, ang mga naging pahayag na ito ng China.
Layunin lamang umano nito ay maghasik fake narratives sa kanilang internal at domestic audience upang mabigyang katwiran ang kanilang claims sa mga teritoryo na saklaw ng Pilipinas.
Hindi rin umano totoo na nanliligaw at nag-iimbita ang Pilipinas ng ibang bansa para makilahok sa maritime at joint exercises sa WPS.
Ang malinaw aniya, ang China umano ang ilegal ang presensya at ang mga sasakyang pandagat ng China ay dapat nang umalis at lumabas ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Sa nasabing pulong balitaan, tiniyak Armed Forces of the Philippines na sila ay patuloy na naninindigan na maprotektahan ang mga teritoryo ng Pilipinas sa katubigan ng WPS at titiyaking hindi maaapektuhan ang soberanya ng Pilipinas.
(JESSE KABEL RUIZ)
