DOE, PNOC-EC suportado ang indigenous energy ENERGY SECURITY SUSI SA NAT’L SECURITY

ANG susi para matamo ng Pilipinas ang energy security at independence ay isa sa mga pambansang isyu na idinulot ng COVID-19.

Ang energy industry ay nahaharap sa hamon ng pagsusuplay ng matatag na kuryente sa mga komunidad sa buong bansa sa gitna ng patuloy na pananalasa ng pandemya. Mahalaga sa pagsasakatuparan ng layuning ito ang pagtutulungan sa pagitan ng private at public sector.

Ang kanilang pinagsamang plano ay inilatag sa online forum, Innovations in Energy: An Energy Secure, Energy Independent Philippines, na inorganisa ng Philippine Energy Independence Council (PEIC) noong nakaraang July 10.

Nanguna sa talakayan sina Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi; Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) President, Lt. Gen. (Ret.) Rozzano Briguez; AC Energy President and CEO Eric Francia; PEIC Director Don Paulino at PEIC founding member and Director Amor Maclang. Nagsilbing moderator sa diyalogo si PEIC International Relations Consultant, Myrna Velasco.

Ang konklusyon na nabuo sa forum ay ang paggamit ng indigenous sources ay makatutulong sa pagbuo ng renewable energy at makababawas sa pangangailangan ng Pilipinas na dumepende sa iba pang oil-producing nations.

Sa naturang forum ay nangako si Briguez na gagamit ng indigenous energy sources. “Indigenous resource development and coal exploration can contribute to energy security,” aniya.

Sa paggamit ng indigenous sources ay hindi lamang matatamo ng Pilipinas ang ‘sustainable at more accessible power’,  kundi malalagpasan din nito ang mga pagsubok – pandemya man o geopolitical movements na nakaaapekto sa global supply chain.

Ang malawak na karanasan ng PNOC-EC sa oil exploration ay nagposisyon sa kanila na pangunahan ang bansa sa energy sufficiency. Nagsagawa sila ng explorations on-shore, tulad sa Cagayan, Central Luzon, at Cotabato, gayundin ng off-shore sa Northwest at Southwest Palawan. Mula 1976 hanggang 2015, ang PNOC-EC ay nakapag-drill din ng 28 onshore wells sa buong bansa.

“We want to be a leading exploration company by 2030, have a global reach, and contribute to the country’s growth,” sabi ni Briguez. “The presidential mandate is to focus on exploration, mainly upstream.”

Ipinaliwanag naman ni Cusi na, “The Philippines has the highest renewable energy mix in Southeast Asia.”

Sa kasalukuyan, 30 percent ng power needs ng bansa ay sinusuplayan ng natural gas mula sa Malampaya Deep Water Gas-to-Power project, na kumukuha ng natural gas sa ilalim ng seafloor ng West Philippine Sea magmula noong 2001.

Ang mga benepisyo nito ay lumagpas pa sa paghugot ng natural gas — mula sa pagtulong sa pagsuplay ng matatag na kuryente sa bansa, sa pag-ayuda sa ilang komunidad sa environmental programs. Bilang isa sa

pinakamatagumpay na  Public-Private Partnerships (PPP) sa kasalukuyan, ang Malampaya project ay naghahain ng viable model para sa pagbabago ng industriya habang nagpapatuloy ang paghahanap ng maraming indigenous sources.

“Close collaboration between the public and private sector is an essential component in this quest for effective exploration and energy security. Over the years, the government has made various strides towards this goal, such as the DOE’s commitment to the Renewable Energy Act and increasing renewable energy service contracts and capacity,” ayon sa forum.

Ipinaliwanag ni Francia kung paano nakatutulong ang market framework sa industriya. “We have an open, competitive market,” aniya. “There’s no need to rely on the government. Other markets like Vietnam and Indonesia need to depend on government-controlled corporations before the private sector can invest.”

Agresibo ring itinutulak ng DOE ang mga istratehiya upang makahikayat ng mga investor, kabilang ang posibilidad ng pagpapahintulot ng  100% full foreign ownership para sa renewable energy.

Pinoposisyon ng PNOC-EC ang sarili nito na maging katuwang para sa mga investor. Nakikita ang energy future ng Pilipinas, inihayag ni Briguez ang iba pang mahahalagang hakbang na inihahanda ng PNOC-EC tulad ng increased production sa hindi bababa sa dalawang underground mines, ang paglutas sa  maritime disputes sa pagitan ng China at ng Pilipinas, at ng bagong oil at gas discoveries upang madagdagan ang Malampaya reserves.

176

Related posts

Leave a Comment