DOH NAGBABALA SA MALALANG SAKIT SA BAGA DULOT NG VAPE

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) laban sa paggamit ng vape o e-cigarette dahil maaari itong magdulot ng E-Cigarette or Vaping Use-Associated Lung Injury (EVALI).

Ayon sa American Lung Association, ang EVALI ay isang acute respiratory illness o biglaang sakit sa baga na maaaring makuha sa paggamit ng vape devices.

Kabilang sa mga sintomas nito ang ubo, hirap sa paghinga, at pananakit ng dibdib. Sa malalang kaso, maaari itong magdulot ng permanenteng pagkasira ng baga, pagkaospital, at maging pagkamatay.

Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit ng vape at sigarilyo upang maprotektahan ang kalusugan ng baga at puso.

(JULIET PACOT)

119

Related posts

Leave a Comment