DOJ, KINUMPIRMANG 14 PA LANG SA MAHIGIT 400 NA FLOOD CONTROL PROJECTS ANG ITINUTURING NILANG GHOST

BALOT na balot nang dumating kahapon si Regional Director Gerald Pacanan ng DPWH 4-B sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control project sa Mindoro. Gayunman, nakumbinsi rin siya ng komite na ilabas ang kanyang mukha. (DANNY BACOLOD)

KINUMPIRMA ng Department of Justice na 14 pa lamang sa 421 na flood control projects ang itinuturing nilang ghost o guniguni.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida na sa 14, dalawa na ang nakasalang sa SandiganBayan.

Kabilang naman sa 12 ang isang batch ng mga kaso na kinasasangkutan ng SYMS Trading at anim na proyekto sa Wawao Builders at Topnotch Builders na patuloy pang isinasailalim sa preliminary investigation.

Kasama rin sa mga ito ang tatlong high value cases na nakasalang sa preliminary investigation ang mga kasong plunder.

Samantala, iginiit ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na hanggang ngayon ay nagtataka siya sa napakaraming ghost projects na nakalusot gayung dapat ay may mahigpit ding auditing na isinasagawa ang Commission on Audit.

53

Related posts

Leave a Comment