MAHIGPIT ang direktiba ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) na tiyaking hindi makaaalis ng bansa ang mga respondent sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Ito’y matapos maglabas ng Hold Departure Order ang Manila Regional Trial Court Branch 52 laban sa ilang personalidad.
Kabilang sa pinagbawalang bumiyahe sina Senador Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary Roberto Bernardo at mga dating district engineer na sina Henry Alcantara at Gerard Opulencia.
Kasama rin sa HDO si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral bagaman pumanaw na ito noong Disyembre 8.
Nahaharap ang mga respondent sa kasong plunder, direct bribery at corruption of public officers kaugnay ng flood control projects.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, precautionary measure ang HDO habang nagpapatuloy ang pagdinig at preliminary investigation.
“Base sa nakitang probable cause ng prosekusyon, may posibilidad na tumakas ang mga respondent kaya inilabas ang precautionary hold departure order,” paliwanag niya.
Kinumpirma naman ng BI na nailagay na sa kanilang centralized database ang HDO at agad itong ipinatutupad.
(JULIET PACOT)
10
