TINANGGAP ng Department of Justice (DOJ) ang mosyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite ng karagdagang ebidensiya at bagong mga respondent sa reklamong plunder kaugnay ng umano’y flood control scandal laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pa.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inihain ang mosyon sa isinagawang preliminary investigation nitong Lunes.
Binigyan ng mga piskal ang NBI hanggang Pebrero 26 upang maibigay sa mga respondent ang kopya ng mga dagdag na ebidensiya.
Kapag natanggap ito, may hanggang Marso 9 ang mga respondent upang magsumite ng kanilang counter-affidavit.
Dagdag pa, kinakailangang personal na manumpa si Estrada at ang iba pang respondent sa harap ng mga piskal sa susunod na buwan.
(JULIET PACOT)
3
