DOKTRINA NG ‘TRINITY’ TINAWAG NA KABALIWAN NI DUTERTE

DUTERTE-31

NAKATIKIM na naman ng maanghang na pananalita at pagbatikos sa ilang doktrina ang Simbahang Katolika nang magtalumpati ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Kidapawan City, Cotabato.

Tinawag ng pangulo na kabaliwan ang doktrina ng ‘Trinity’ o ‘Banal na Santatlo’ dahil iisa lamang ang Diyos at hindi ito pwedeng hatiin sa tatlo.

“Isa lang ang Diyos. There’s only one God, period. You cannot divide God into three. That’s silly,” ani Duterte.

Ang ‘Holy Trinity’ na tinutukoy ng pangulo ay ang doktrina ng simabahan na mayroong isang Diyos subalit mayroong tatlong persona.

Sinabi pa ng presidente na hindi siya bilib kay Hesukristo dahil nagpapako ito sa krus.

Katwiran niya, hindi niya matanggap na ang Diyos ay papayag na maipako sa krus.

163

Related posts

Leave a Comment