NASA ilalim na tayo ng Alert Level 2 simula nitong Pebrero 1 hanggang 15, taong kasalukuyan.
Niluluwagan na halos lahat ng restrictions. Kumokonti na kasi ang COVID-19 cases na naitatala araw-araw.
Super excited ang mga kababayan nating sabungero dahil alam nilang pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang operasyon para sa tradisyunal na sabong sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.
Kung hindi ako nagkakamali, aba’y 50 porsyento ng indibidwal lamang ang maaaring pumasok sa mga sabungan.
Lahat daw ay kinakailangang fully vaccinated, lalo na ang mga trabahador sa mga sabungan.
Mauuso na rin ang cashless na pagtaya sa traditional cockfighting.
Kaya dapat mag-ingat ang lahat.
Laging nagpapaalala ang IATF sa mga lokal na pamahalaan na siguraduhing nasusunod pa rin sa mga sabungan ang minimum public health standards.
Siyempre, unang-una riyan ang pagsusuot ng facemask at physical distancing.
Marami ang nagre-request sa atin ng sabong tips dahil nga inaasahang magbabalik na ang traditional na sabong.
Ang maganda raw kasi, online ang bayaran o tayaan. Kaya maiiwasan pa rin ang hawaan ng virus kung sakali.
Mga ka-sabong, aba’y native man o imported ang inyong manok na panabong, madali lang mag-alaga rito sa Pilipinas.
Naku, kahit ano pa man ang mga lahi ng mga ito, swak sa lahat. Madaling alagaan ang mga manok.
‘Yun nga lang, paglalaanan mo ito ng panahon. Kumbaga, magiging bahagi na sila ng buhay mo.
Isasama mo na sila sa programa at mga gagawin mo, araw-araw.
Kahit sinong mga beteranong gamefowl breeders, sinasabing hindi maselan ang mga manok sa lugar kung saan sila pinalalaki at pinapatibay bago isalang sa sabong.
Sa kabilang banda, ang mahalaga raw, alamin kung anu-ano ang iba’t ibang uri ng mga manok na panabong.
Ang maigi raw, alam dapat ang mga basic na sabong tips.
Well, tama nga naman, sa ganitong paraan ay maalagaan ang mga ito mula sa pagiging sisiw hanggang maging isang champion battle cock.
Maraming uri ng panabong, mga ka-sabong. Mas maganda siguro kung sa susunod na isyu na lang natin ipagpatuloy ang pagtalakay rito.
Pasadahan muna natin ang pagdalaw ng Pitmaster Foundation sa Albay. Namahagi kasi ang foundation ni Boss Charlie “Atong” Ang ng wheelchairs sa Legazpi City.
Katuwang nila sa proyekto ang tanggapan nina Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda at Phil. Councilors League (PCL) Bicol Regional Chair Jesciel Richard Salceda.
Mabuhay po kayo, mga boss, at God bless!
278 