HALOS nasa limang milyong COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa kahapon kasama ang 3,999,060 doses ng Pfizer-BioNTech na ipinagkaloob ng United States, katuwang ang COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.
Ito ang pinakamalaking single-day shipment ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Pilipinas na bahagi ng tuloy-tuloy na pagsuporta ng U.S. sa pandaigdigang laban sa coronavirus at kanilang commitment sa sambayanang Pilipino para mapanatili ang mga itong ligtas at malusog, ayon sa U.S. Embassy in Manila.
Ang nasabing bakuna ay parte ng 1.2 billion COVID-19 vaccine doses na ipinagkakaloob ng U.S. at ipinamamahagi sa pamamagitan ng COVAX, isang global initiative para masuportahan ang pantay na pagkakaroon ng COVID-19 vaccines ng mahihirap na bansa.
Sa kasalukuyan ay nakapagbigay na ang U.S ng nasa 33.3 million COVID-19 vaccine doses. “We are immensely proud that our friends, partners, and allies in the Philippines are receiving this historic shipment.
This significant donation underscores the United States’ commitment to continue working with our Philippine partners to combat COVID-19 even as we face serious challenges around the world,” pahayag ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava. (JESSE KABEL)
168 