NAGSIMULA nang bisitahin ni DPWH Secretary Mark Villar ang mga ospital para sa pag-iimbentaryo.
Bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na matiyak na sapat ang healthcare facilities sa gitna ng tumataas na bilang ng nagkaka-covid.
Sinabi ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na gumagalaw na rin ang One Hospital Command sa pangunguna ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega.
May mga lugar na rin aniya katulad ng Quezon Institute na kanilang mino-mobilize habang may mga expansion na ring ginagawa sa ilang ga pagamutan para mapagdalhan sa mga indibidwal na makakapitan ng virus.
“So ngayon ginagawa natin iyong mga—ginagawa nating mga hospital lalo na ang QI, minu-mobilize natin na magamit po iyong mga in-expand natin na mga hospital at saka iyong ongoing construction ngayon, minamadali po natin para makahabol po sa ating kinakailangan na mga healthcare facilities,” litanya ni Galvez.
320
