DPWH OFFICIAL NAHAHARAP SA GRAFT COMPLAINT

NAGHAIN ng reklamo ang isang construction firm sa Office of the President laban sa isang District Engineer ng Department of Public Works and Highway (DPWH) dahil umano sa pang-aabuso sa kapangyarihan at paglabag sa anti-graft and corruption act.

Base sa reklamo ni Apolinar Pacheco, pangulo ng AMP 723 Construction Corporation, nilabag umano ni DPWH-OIC Assistant Engr. Danilo Bernabe ang proseso ng bidding sa isang government infrastructure project sa Region 2 partikular sa Nueva Vizcaya.

Nakasaad sa reklamo na pinaboran umano ni Engr. Bernabe ang BRG construction firm sa kabila na kulang ang dokumento, expired o paso na ang kanilang registration na isang malinaw na paglabag sa bidding process.

Ipinagtataka ni Pacheco kung bakit nakasali pa sa bidding ang BRG construction firm dapat sana ay dinisqualify na ito.

“Bernabe is fully aware that BRG construction firm’s registration was expired but announced it can participate because the permit is valid until December 5, 2024 even the BRG firm did not produce the required registration documents,” nakasaad sa reklamo.

Sinasabing ang naging aksyon ni Bernabe ay katumbas ng grave misconduct dahil sa pagbibigay ng ‘undue advantage’ o pabor sa ibang kumpanya.

Tila sinadya umano ni Bernabe ang misrepresentation ng BRG Construction firm na maliwanag na paglabag sa Republic Act 6713, o mas kilala bilang code of conduct and ethical standards for public official.

Bunsod nito ay inendorso na ng Citizens Complaint Hotline ng Malacañang kay DPWH Undersecretary Adelizs Medenilla para imbestigahan ang reklamo kay Engr. Bernabe.

9

Related posts

Leave a Comment