DQ VS TULFO HINDI PAABUTIN SA ELEKSYON

RERESOLBAHIN ang disqualification cases na inihain laban kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo bago ang halalan, ayon kay Comelec Chairman George Garcia ngayong Huwebes.

Si Tulfo ay nahaharap sa dalawang disqualification cases, ang pinakabago ay inihain noong Martes dahil sa mga batayan ng moral turpitude na nagmula sa kanyang libel conviction gayundin sa kanyang isyu sa citizenship.

Bukod kay Tulfo, ang kanyang kapatid at kapwa senatorial candidate na si Ben at ang natitirang tatlo pang miyembro ng Tulfo clan ay sinampahan ng disqualification case dahil sa mga akusasyon sa political dynasty.

Sinabi ni Garcia na ang kanilang pangako ay tulad sa mga kaso ng nuisance, lahat ng kaso ng disqualification ay gagawin sa unang pagkakataon bago ang halalan.

Binanggit din ni Garcia na ang dalawang disqualification cases laban kay Erwin ay hindi na i-consolidate.

Paliwanag ng poll chief, mayroong mas maliit na batayan na kasama sa bagong inhain na petisyon. Magkaiba aniya ang petitioners at hindi pare-pareho ang mga akusasyon at alegasyon.

Samantala, mayroon na ngayong 84 percent na “disposal rate” ng mga kaso ang Comelec, itinuturing na pinakamataas sa kasaysayan ng poll body. (JOCELYN DOMENDEN)

196

Related posts

Leave a Comment