MALL VOTING INFO CAMPAIGN SA SENIORS ISINUSULONG

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa pamunuan ng 42 malls na gagamiting voting precints sa papalapit na midterm elections na magsagawa ng information and education campaign sa hanay senior citizens at may kapansanan.

Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, dapat ipaalam sa senior citizens at PWDs na maaari silang makaboto sa malls sa eleksyon sa Mayo.

“Lubusin na ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng information and education drive na ang seniors at PWDs ay komportable na makakaboto sa malls,” saad ni Ordanes.

Umapela rin ang namumuno sa House Committee on Senior Citizens sa mga kaanak at tagapag-alaga ng botanteng senior citizens at PWDs na maari silang makaboto sa malls sa darating na Mayo 12.

Una nang pinasalamatan ni Ordanes ang Commission on Elections (Comelec) sa mga hakbang para sa madali at mas maayos na pagboto ng senior citizens at PWDs.

Nanghihinayang naman si Ordanes na hindi pa naaprubahan ang isinulong niyang House Bill No. 7576 o ang Early Voting Act for Seniors and PWDs sa Senado. Aniya, naaprubahan na sa Kamara ang panukala noon pang Mayo 2023 at agad na ipinadala sa Senado ngunit mistulang inupuan lang ng mga senador.

36

Related posts

Leave a Comment