DRIVER ITINUMBA NG RIDER SA BACOOR

CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang isang motorcycle rider na suspek sa pamamaril sa isang driver sa harapan ng kanilang bahay sa Bacoor City noong Linggo ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa Cavite East Medical Center ang biktimang si alyas “John”, 48, may asawa, isang driver, ng Brgy. Molino 7, Bacoor City, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang ‘di naplakahang motorsiklo, na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa nakasaksi sa insidente, naghuhugas ng mga kaldero ang biktima sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Molino 7, Bacoor City bandang ala-1:00 ng hapon, nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril, kasunod ng tunog ng motorsiklo na papatakas.

Pagkaraan ay nakita ng saksi ang biktima na nakahandusay sa semento at may tama ng bala sa ulo.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

(SIGFRED ADSUARA)

8

Related posts

Leave a Comment