Driver sumablay sa maniobra PAHINANTE PISAK SA TRUCK

BUKIDNON – Napisak ang katawan ng isang pahinante makaraang masagasaan ng driver habang inaalalayan sa pagmaniobra ang huli, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si John Carls Asparas, 32, binata, nakatira sa Purok 3, Bangcud, Malaybalay City, Bukidnon.

Nadakip naman ang suspek at driver ng truck na kinilalang si Allan Galacio, 28, may asawa at residente sa Purok 8, Brgy. Kalasungay, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Malaybalay City Police Station, nangyari ang insidente sa Sayre Highway, New Ilocos, Dalwangan, Malaybalay City.

Ayon sa imbestigasyon, nakasakay ang biktima sa bandang pintuan ng truck at inaalalayan ang driver sa pagmaniobra ng truck nang biglang mahulog si Asparas.

Bunsod nito, nawalan ng kontrol sa manibela ang suspek at nagulungan ang biktima na ikinamatay nito.

Makaraan ang insidente, kusang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (ANNIE PINEDA)

265

Related posts

Leave a Comment