DRIVING SCHOOL SA CAVITE, NILOOBAN

CAVITE – Tinatayang P77,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng isang lalaki na nanloob sa isang driving school sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw.

Ang pinasok ng ‘di nakilalang lalaki ay ang Team Aces Driving School sa Timalan, Concepcion, Naic, Cavite.

Base sa pinanood na footage sa CCTV, tinatayang bandang alas-4:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang nasabing driving school sa pamamagitan ng pagtanggal sa window type air-conditioning unit at nang makapasok ay tinangay ang dalawang unit ng Acer laptop (P50K) apat na cellphone (P20K) at cash na P7,000 o kabuuang halagang P77,000.00
Pagkaraan ay tumakas ang suspek na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt, itim na cap at itim na maong short, patungo sa direksyon ng Tanza.

(SIGFRED ADSUARA)

80

Related posts

Leave a Comment