DROGA, BARIL NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 37 sachet ng hinihinalang shabu at baril ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:30 ng gabi noong Huwebes hanggang alas-2:30 nitong Biyernes ng madaling araw sa tatlong lungsod at apat na bayan sa lalawigan.

Sa bayan ng Naic, apat na hinihinalang tulak ang naaresto habang tig-tatlo naman sa Imus City, Bacoor City at Kawit at tig-dalawa sa General Mariano Alvarez (GMA) at Gen. Trias City habang isa sa Indang.

Sa nasabing operasyon, isang kalibre .38 na baril at bala ang nasamsam kay Edwin Bautista y Bombate, 43, driver, sa buy-bust operation dakong alas-12:15 madaling araw nitong Biyernes sa Brgy. Virata, GMA, Cavite.

May kabuuang 37 sachet ng umano’y shabu ang nakumpiska sa nasabing mga suspek. (SIGFRED  ADSUARA)

186

Related posts

Leave a Comment