Drug dealer napatay sa Naga

NAGA CITY – Patay ang isang hinihinalang bigtime drug dealer sa ikinasang anti-narcotics operation ng PNP-PRO5 sa Naga City noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel Estomo, bandang alas-8:00 ng umaga nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa engkwentro na ikinamatay ng umano’y isang drug dealer.

Kinilala ni P/Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-PRO5 ang napaslang na si Alvin Pala y Faurillo, 40, may asawa, residente ng Brgy. Quenalansan, San Jose, Camarines Sur.

Ayon kay Calubaquib, bago inilatag ang buy-bust operation ay nagsagawa muna ng case build-up at intelligence gathering laban sa suspek, sinasabing kaya umanong mag-dispose ng hanggang kalahating kilo ng shabu sa loob ng isang linggo.

Nauwi sa engkwentro ang isinagawang high impact operation sa pamamagitan ng buy-bust sa Zone 4A, Magtoto Compound, Concepcion Pequena, Naga City nang matunugan ng target na pulis na ang kanyang katransaksyon.

Nabatid na nakabili ang poseur buyer ng 150 gramo ng shabu sa halagang P450,000.

Matapos ang palitan ng item at bayad, nagduda ang suspek kaya pinaputukan ang mga awtoridad at nagtangkang tumakas.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

118

Related posts

Leave a Comment