ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang umano’y drug den sa Caloocan City noong Martes.
Swak sa hoyo ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Reggie”, itinuturong caretaker ng nasabing drug den sa Barangay 43 ng naturang lungsod, gayundin ang dalawang umano’y alalay nito.
Nabatid, isang undercover cop ang umiskor ng shabu kay Reggie at makaraan ang kaliwaan ng marked money at epektus ay dinamba ng mga awtoridad ang mga suspek.
Umabot sa 15 gramo ng umano’y shabu na may presyong P102,000, ang nasamsam sa mga arestado na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
