DRUG DEN OPERATOR, 5 PA ARESTADO

PAMPANGA – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency isang drug den operator at limang iba pa, sa ikinasang anti-narcotics operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao sa lalawigan.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-3:40 ng hapon noong Miyerkoles, naglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA – Pampanga Provincial Office sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao.

Sa operasyong ito ay nahuli si alyas Nono, 53, na siyang nangangasiwa umano sa sinalakay na drug den; kasama sa mga dinakip sina alyas “Rick”, 43; “Gio”, 46; “Ton-ton”, 31; “Ali”, 31; at “Ren-Ren”, 44-anyos.

Hindi na nanlaban ang nasabing drug personalities matapos silang makuhanan ng limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 22 gramo ng umano’y shabu, iba’t ibang gamit sa droga, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng PDEA Pampanga Provincial Office at ng Lubao Police Station.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay isasailalim sa forensic examination sa PDEA RO3 laboratory.

Inihahanda naman ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa korte laban sa mga suspek.

(JESSE RUIZ)

20

Related posts

Leave a Comment