Sa BARM Parliamentary election COMELEC ‘DI PA NAGDEDEKLARA NG ELECTION HOTSPOTS

HINDI pa nagdedeklara ang Commission on Elections (Comelec) ng anomang lugar sa Bangsamoro bilang election hotspots.

Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag sa nagpapatuloy na preparasyon nito para sa kauna-unahang BARMM elections kung saan naglatag na ng checkpoints at nakikipag-ugnayan sa pulisya at militar upang masiguro na ligtas ang publiko sa panahon ng kampanya.

Sinabi pa ni Garcia, tatawag ng isang ‘extremely urgent’ meeting kasama ang pitong accredited na Bangsamoro regional parties at election watchdogs, sa susunod na linggo upang talakayin ang “none of the above” option sa balota.

Ang halalan sa Bangsamoro ay na-reset mula Mayo 12 sa Oktubre 13, 2025 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Pebrero bilang batas ang hakbang na nagpapaliban sa kauna-unahang parliyamentong halalan.

(JOCELYN DOMENDEN)

139

Related posts

Leave a Comment