ILANG DOJ PROSECUTORS NIRESBAKAN NI DE LIMA

NIRESBAKAN kahapon ni dating senador at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima ang ilang prosecutors ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paghahabol sa naabswelto nang kasong droga laban sa kanya.

Batay sa formal complaint na isinumite sa DOJ ni Atty. Dino de Leon, abogado ni De Lima, reklamong grave misconduct and gross ignorance of the law ang kanilang inihain laban sa ilang prosecutors ng ahensya.

Paliwanag ng kanilang kampo, hanggang ngayon umano hindi tumitigil ang mga prosecutor sa paghahabol sa kaso ni De Lima gayung dismissed na ito sa hukuman.

Bukod pa sa inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Prosecutor General Richard Fadullon sa pamamagitan ng isang Memorandum Order noong July 23, 2025 ang mga DOJ prosecutor na i-withdraw o iatras na ang motion for reconsideration na dating inihain ng DOJ laban sa dismissal ng drug case ni De Lima.

Nais paimbestigahan ni Atty. De Leon ang mga prosecutor na umano’y umabuso sa kapangyarihan at tungkulin.

(JULIET PACOT)

153

Related posts

Leave a Comment