DRUG RING MEMBER, 26 PA TIKLO SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 27 katao, kabilang ang isang miyembro ng Felizardo drug group, ang nadakip sa isinagawang magdamagang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang miyembro ng Felizardo drug group na si Joselito Travero, 43, binata, mangingisda at residente sa Tabing Dagat, Maliksi 3, Bacoor City.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon noong Sabado nang magsagawa ng buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Brgy. Kaingin ng naturang Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska ang 47 sachet ng hinihinaang shabu at buy-bust money.

Ang Felizardo Drug Group ay nagmula sa Silay City Negros Occidental. Arestado na ang ilang miyembro nito kabilang lider nitong si Felizardo Divina Gracia, 52, at dalawang anak nitong lalaki.

Samantatala, 26 pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng mga awtoridad sa buy-bust operations mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi noong Sabado sa apat na lungsod at tatlong bayan ng lalawigan. (SIGFRED ADSUARA)

84

Related posts

Leave a Comment