DRUG TRADE SA RILES NG TREN NABUKING

NABUKING ng mga operatiba ng Manila Police District ang umano’y bentahan ng ilegal na droga sa riles ng tren makaraang madakip ang dalawang hinihinalang tulak at nakumpiska ang P.3 milyong halaga ng shabu sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Kevin Manalang, 25, at Mark Israel, 36, kapwa obrero.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo, commander ng Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-8:30 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y bentahan ng shabu sa riles ng PNR sa Pilar Street sakop ng Brgy. 199 sa Tondo.

Agad umaksyon ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Enforcement Team na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong malaking sachet ng umano’y shabu na tinatayang P340,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)

102

Related posts

Leave a Comment