BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo nang sabihan siya nitong pikon.
Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay tila itinama pa nito ang sinabi ng bise-presidente na siya ay pikon dahil ang totoo aniya ay siya ay galit dahil pinatataas ng bise-presidente ang pagdududa ng publiko sa Sinovac vaccine.
“Imbes na magtulong to convince the people, here she comes and making it appear that government has failed in its mandate of securing…Ma’am, hindi ako napikon. Hindi ako mapikon kay hindi ko sarili ito,” ayon kay Pangulong Duterte.
Galit aniya siya kay Robredo dahil sa pagpapalabas nito ng “half-truth” na ang Sinovac vaccine ay kinakailangan ng rekomendasyon ng health technology assessment council (HTAC).
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi na kailangan pa ng bakuna ang pagsang-ayon ng HTAC dahil ito’y donasyon lamang at hindi investment.
“Imbes na makatulong ang vice president, she created confusion, thereby creating doubts and uncertainty in the minds of the people. Yan ang ginalitan ko because we are running against time,” ang pahayag ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)
250
