Dulot ng mahabang proseso 301 DEAD OFWs, ‘DI AGAD MAIBABALIK SA PINAS

INAMIN ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tatagal pa ng isang linggo ang pagpapabalik sa bansa ng mga namatay na 301 overseas Filipino workers (OFWs) bunga ng mahabang prosesong sinusunod sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) at pamahalaan ng Pilipinas.

“[T]he repatriation of the remains of our dear OFWs from Saudi Arabia is being delayed due to the pending release of documentary requirements and our common desire to strictly adhere to the health protocols in transporting them,” banggit ni Bello.

Aniya, dapat Hulyo 4 ibinalik ang 301 mga manggagawa, ngunit naudlot ito ng isang linggo dahil ayon sa tatlong Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na nag-aasikaso sa kanila ay istriktong ipinatutupad ng pamahalaan ng KSA ang proseso sa pagpapabalik sa Pilipinas ng mga namatay na OFW.

Pagdating sa bansa, susundin din ang proseso ng paghahatid ng mga bangkay sa kani-kanilang pamilya, lalo pa’t 152 sa 301 ay namatay dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID – 19).

Ang natirang 149 ay iba-iba ang dahilan ng pagkamatay.

Ayon kay Bello, sa tulong ng Department of National Defense (DND) ay dadalhin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga labi ng 152 sa crematoria na napili ng pamilya ng mga ito.

Kukunin naman ang 149 bangkay ng kani-kanilang pamilya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (NELSON S. BADILLA)

141

Related posts

Leave a Comment