DUPLIKASYON NG PROGRAMA NG DA, PINUNA SA SENADO

GINISA ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa “duplication” at “overlapping” ng mga programa nito na may kinalaman sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sa hearing ng budget ng DA para sa susunod na taon, kinuwestyon ni Villar ang alokasyon ng pondo sa ilalim ng National Rice Program para sa extension support and training services.

Iginiit ni Villar na ang programa ay nasa ilalim na ng RCEF.

“Why do you duplicate? Sana i-compare niyo ‘yung National Rice Program at RCEF. Kung mayroon na sa RCEF, huwag niyo na ulitin, ibigay sa others na kulang,” diin ni Villar.

“Hindi natin malaman kung magkano ‘yung ginasta mo sa training na ‘yan, ano ginasta ng RCEF sa training. Nag-ooverlap tayo. ‘Wag tayo mag-ooverlap,” giit pa ng senador.

Sinita rin ni Villar ang pamamahagi ng ahensya ng hybrid seeds sa rice-producing towns gayung namamahagi rin ang Philippine Rice Research Institute ng inbred rice seeds.

“Katulad noon, magbibigay kayo ng hybrid seeds eh nagbigay na kami ng inbred seeds. Sana sa may 947 rice-producing towns, sana paghatian, para hindi tayo duplication,” giit pa nito.

“Bakit ayaw nyo magbigay ng listahan kung walang corruption? May RCEF tayo eh, bibigyan nyo ng inbred seed ‘yung 947 rice-producing towns. “Piliin niyo na ‘yung gusto ng hybrid at kunin niyo na ‘yun para hindi na ‘yun ang bibigyan ng inbred,” dagdag pa nito.

Samantala, pinamamadali ni Villar ang pamamahagit ng cash assistance sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Tarriffication Law.

Ipinaliwanag ng senador na alinsunod sa batas, lahat ng sosobra sa P10 bilyong koleksyon sa taripa ay ilalaan bilang cash assistance sa mga magsasaka lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Mula sa pondo, P5 bilyon ang ilalaan para sa rice farm machinery at equipment, P3 bilyon sa rice seeds, P1 bilyon sa expanded credit assistance, at P1 bilyon sa rice extension services tulad ng training sa mga magsasaka. (DANG SAMSON-GARCIA)

366

Related posts

Leave a Comment