DUQUE INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

doh500

(NI JEDI PIA REYES)

IPINAGHARAP ng patung-patong na mga reklamo sa Office of the Ombudsman si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa kontrobersya na pagpaparenta sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng gusaling pag-aari ng pamilya ng kalihim.

Mga kasong plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials ang inihain ng mga magulang ng umano’y mga nasawi dahil sa dengvaxia vaccine.

Inakusahan ng mga complainant si Duque ng conflict of interest sa pagpayag ng kumpanya ng kanyang pamilya na Education and Medical Development Corporation sa Dagupan City na mapaupahan sa PhilHealth sa halagang mahigit kalahating milyong piso kada buwan.

“Respondent Dr. Duque III, with manifest conflict of interest, allowed their family corporation, in which he is also a substantial stockholder, to transact business with the PhilHealth of which he is also the ex-oficio chairman,” ayon sa complaint-affidavit.

Wala pang tugon si Duque patungkol sa inihaing reklamo laban sa kanya ngunit nauna nang iginiit ng kalihim na walang matatawag na conflict of interest sa pagpapaupa ng gusali ng kanilang pamilya.

Diin nito, nasa pribadong serbisyo na siya noong 2015 nang magsimulang umupa ang PhilHealth Regional Office 1 sa Lyceum-Northwestern University na pag-aari ng kanyang pamilya.

 

223

Related posts

Leave a Comment