DUQUE NANGUMPISAL ‘FOR DROPPING THE BALL’

PINAGPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody dropped the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer, COVID-19 vaccine manufacturer para sana sa Enero ng susunod na taon ay maidedeliber na ang bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinausap ni Pangulong Duterte si Duque para ipaliwanag ang akusasyon ni Locsin na dahil umano sa kapabayaan nito nasayang ang pagkakataon ng Pilipinas na makakuha ng 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer ng Amerika.

Aniya, tuloy pa rin naman ang negosasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa US government at inaasahang sa buwan ng Hunyo ng susunod na taon ay darating sa bansa ang bakuna ng Pfizer.

Sa pahayag ni Locsin, naisara na ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ni US Secretary of State Mike Pompeo subalit nabigo umano si Duque na isumite ang requirement ng Confidentiality Disclosure Agreement o CDA for procurement. (CHRISTIAN DALE)

o0o

DBM HIRAP SA BIDDING
NG COVID VACCINES

PUMIYOK ang Department of Budget and Management na hirap silang makakita ng paraan kung paano maipatutupad ang bidding process sa pagbili ng kailangang bakuna sa COVID-19.

Ayon kay DBM Undersecretary Christoper Lao, ito ay dahil na rin sa magkakaibang requirements, supply demand at supply capacity ng mga vaccine manufacturer.

Aniya, ilan sa mga demand ng manufacturers ay down payment o advance banquet commitment bago bigyan ng right to wait to be served.

Ito aniya ay hindi saklaw ng umiiral na batas sa ilalim ng procurement Law o maging ng Bayanihan 2 at sa halip ito aniya ay kaibayo sa bidding process ng ating pamahalaan na kung sino ang makapagbibigay ng pinakamagandang presyo ay saka pa lang maaaring maglabas ng pera ang gobyerno. (CHRISTIAN DALE)

202

Related posts

Leave a Comment