PIPIGAIN ng mga senador si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa mga sinasabing anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
“The ‘big elephant’ was not in the room during the two Senate Committee of the Whole hearings on PhilHealth’s unbridled corruption,” saad ni Lacson sa kanyang tweet na ang tinutukoy ay si
Duque.
Partikular na kukuwestyunin ni Lacson kay Duque ang pananahimik nito hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.
“When he appears on Tuesday, I’ll ask him, being the incumbent ex-officio chairman of PhilHealth, who was present during the shouting match in their last board meeting that effectively triggered
these new controversies,” diin ni Lacson.
Tinukoy ni Lacson ang sinasabing sigawan sa meeting ng mga opisyal ng PhilHealth hinggil sa sinasabing overpriced IT system.
Nais ding malaman ni Lacson sa kalihim kung ano ang kanyang irerekomenda sa Pangulo sa gitna ng mga nabunyag na iregularidad.
Maging si Senador Risa Hontiveros ay nagtataka sa pananahimik ni Duque sa kabila ng posisyon nito sa Philhealth. (DANG SAMSON-GARCIA)
182 