DUTERTE HANDANG BATIIN SINOMAN KINA BIDEN AT TRUMP ANG ITANGHAL NA PANALO SA US PRESIDENTIAL RACE

KAAGAD tatawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sinoman ang tanghaling panalo sa 2020 US Presidential race.

Ito’y upang maipaabot ng pangulo ang kanyang pagbati kaninuman kina dating Vice President Joe Biden o kay US President Donald Trump kahit man lang sa pamamagitan ng telepono.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinoman ang manalo kina Trump at Biden ay mananatiling kapakanan at interes ng bansa ang isusulong ng gobyerno.

“Siyempre po ano dahil tayo lang naman ang bansa sa mundong ito na kapareho halos ang Saligang Batas dahil iyan ang namana natin sa mga Amerikano at hindi natin mabubura iyan ganiyang klaseng samahan,” sinabi ni Sec. Roque.

Sa kabilang dako, inihayag ni Sec. Roque na ang Pilipinas at Amerika bilang magka-alyadong bansa ay may samahang mahirap nang burahin.

“Dapat ganyan naman po dapat, kampi tayo sa Pilipinas, ganiyan tayo. Alam natin kung anong dapat na pang-national na interest natin at hindi dapat magbabago iyan kapag nagkaroon ng pagbabago ng magiging presidente,” aniya pa rin.

Kung kaya’t Baiden man o Trump ang maupo sa white house, tiwala aniya silang patuloy pa rin ang mainit na samahan ng mga Amerikano at mga Pilipino. (CHRISTIAN DALE)

173

Related posts

Leave a Comment