(Ni Tracy Cabrera)
LUNGSOD NG MANDAUE, Cebu — Pinalawig pa ni presidente Rodrigo ‘Rody’ Duterte ang kanyang kritisismo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Para sabihin ang kanyang successor ay may balak na huwag bitiwan ang kapangyarihan kapag nagtapos na ang termino nito sa taong 2028.
Maaaring aniyang mag-impose si Marcos Jr. ng martial law Tulad ng kanyang yumaong ama na si dating President Ferdinand Edralin Marcos Sr. upang garantisadong wala nang nagaganap na halalan at manatili ito sa Malakanyan.
Ito ang batikos ni Duterte sa isinagawang indignation rally sa Mandaue City sa Cebu.
”Si Mr. Marcos is veering towards a dictatorship. Mo pusta ko sa inyo, dili na manaog pagkahuman sa iyang termino. Pareha na sa iyang tatay, magkagubot na pud ta because ang iyang buhaton mag-declare na pud ug martial law pareho sa iyang papa. ‘Pag martial law, walay eleksyon,” wika ng dating pangulo mula Davao.
Matatandaang nagdeklara ng batas militar ang ama ni PBBM noong Setyembre 21, 1972 at kasunod nito ay nanatili president ang nakatatanda ng Marcos hanggang sa maganap ang EDSA People Power Revolution na pwersahang nagpatalsik dito sa poder at napalayas sa Hawaii kasama ang kanyang noong Pebrero 1986.
Sa kanyang talumpati sa mga raliyista at tagasuporta sa Mandaue, hiniling din ni Duterte sa militar at pulisya na mag desisyon ng naaayon sa kanilang moralidad at huwag sakyan ang ambisyon ng isang tao.
”Kamong mga sundalo ug pulis paminaw mo, kanang ambition sa usa ka tao ayaw mo ug pagsakay kay madugay o madali matapos man gyud na, unya illegal mana. Pamili mo, duha ra mana, naay sayop, naay tama (Please bigyan atensyon, mga sundalo at pulis. Don’t take advantage of someone else’s ambition because it will eventually come to an end and is illegal. May dalawang opsyons kayo: ang tama at mali),” apila niya sa Bisaya sa mga sundalo at pulis.
Noong Marso ng makaraang taon, ipinahiwatig ni Marcos Jr. sa Australian broadcaster na ABC na wala siyang ‘impulse’ tungo sa awtoritaryanismo at sinabi pang mayroong maayos na sistema ng gobyerno ang Pilipinas.
”I have no impulses to authoritarianism whatsoever. We have a good system going. I think we’ve learned to, we have a constitution that we have, that we have gone by for the last 36 years now,” wika ni PBBM.
”We are making, hoping to make some changes to [the Constitution]. But, no, I have not felt any tug or temptation to make it a more authoritarian system,” dagdag nito.
Nilinaw din nito na nagdeklara ng martial law ang kanyang ama dahil sa kaguluhang nagaganap noong kanyang kapanahunan.
