(Ni LILIBETH JULIAN)
Pinagdududahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng ilang pulis laban sa mga taong sangkot sa iligal na droga at iba pang kriminalidad, kaya gusto niyang maglunsad ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa kanyang talumpati, tinumbok ng Pangulo na maraming pulis ang patuloy na sumasabit sa operasyon laban sa mga iligal na droga o iba pang krimen.
Kinuwestiyon ng Pangulo ang “iligal na pamamaraan” ng ilang mga kasapi ng PNP sa pagpatay sa mga drug suspect.
Kaya, gusto niyang busisiin ng pamunuan ng PNP at AFP ang kontrobesiyang ito.
Ngunit, inamin ni Duterte na hindi na rin niya alam kung ano dapat gawin sa mga pulis na sangkot sa iligal na pagpatay sa mga suspek sa iba’t ibang krimen.
Sa kabila nito, walang balak itigil ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa iligal na droga sa maraming bahagi ng bansa.
Idiniin pa nga ni Duterte na paiigtingin pa ang kampanyang ito.
137