KASAMA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa priority list para sa COVID-19 inoculation drive dahil sa kanyang edad.
Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon.
“Ang presidente will enjoy priority dahil nga po siya ay senior citizen. Pero siyempre, importante na magbakuna rin siya para sa vaccine confidence. Inaasahan po natin na isa siya sa mga pinakauna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Whether it is done privately or publicly will be his decision,” dagdag na pahayag nito.
Hindi naman kasama sa priority list ang pamilya ni Pangulong Duterte maliban na lamang kung mayroong comorbidity. (CHRISTIAN DALE)
211
