DUTERTE SINISIRA NG TIWALING BI-NAIA OFFICIALS

TILA desperado na ang sindikato ng mga kumag na tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sina alyas “GL” at “Macho ­Chiquito” makaraang pagplanuhan ang Bistador ng isang trap.

Noong nakaraang Lunes, nagtungo ako sa National Press Club (NPC) sa Intramuros upang kitain sana ang ating importante, ngunit upang makita natin kung may panganib ay malayo ako sa lugar at nakita ko nga sa tapat ng NPC building na mayroong isang kumag na nagmamasid kung dumating na ako.

Hindi alam ni GL na nasa ‘di kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay nandoon ako habang kinukunan siya ng spy camera at laking gulat pa noong dumaan ako sa kanyang harapan upang ipaalam sa kanya na sunog ang kanyang kilos.

Ilang taon na kaya ito sa trabahong intelligence at ­hanggang ngayon ay tanga pa rin?

Matatandaang ibinisto natin ang garapalang raket nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pag-fixing sa mga dayuhang excluded passengers kapalit ang ­malaking halaga kasabwat ang ilang opisyal sa BI-Legal Division.

Ang tatlong Chinese nationals na sina Luo Zhiping, Yang Weirin at Zhou Qiang ay hinarang sa NAIA terminal 2 noong June 9 dahil sa hindi malinaw na dahilan kahit sila’y mayroong travel exemption mula sa National Task Force against COVID – 19 na sila ay pinapayagang makapasok ng bansa para sa isang project ng isang Philippine Fiber Optic Inc.

Hanggang isang Immigration Assistant mula sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) ang humingi umano ng panggastos sa loob habang kinakausap ang kanyang mga boss ng halagang P200K?

Nagkasundo ang mga ito sa isang milyong piso at nakapag bigay na ng halagang P600K at ang balanse na P400K ay kung makapasok na ang mga dayuhan kung kaya’t ang total umano ng nakuha ni GL ay tumataginting na P800K cash.

Bakit kaya ganito na lamang kalakas ang loob ni GL kung saan ay denied na nga ni BI Comm. Jaime Morente ang request na makapasok ay humingi pa rin ng P800K?

Kanino kaya napunta ang malaking pera na ito?

May katotohanan kaya na malakas daw ito kay BI Comm. Jaime Morente?

Sir! Kung wala kang alam dito ay bakit hindi mo tanggalin sa airport itong si GL at itapon mo sa janitorial services?

Isama mo na rin si Macho Chiquito na isang mantsa na sumisira sa imahe ng ahensya.

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

167

Related posts

Leave a Comment