MAY kasabihan na “count your blessings,” at ganito ang naramdaman ni Filipina tennis ace Alex Eala makaraang mapasakamay ang kanyang ikalawang Grand Slam title.
Sabado ng gabi (Manila time) nang mapanalunan ng 16-year teen sensation at kanyang Russian partner na si Oksana Selekhmeteva ang French Open girls’ doubles title kontra Amarisa Kiara Toth ng Hungary at Maria Bondarenko ng Russia, 6-0, 7-5.
“Good partners, but better friends @oksana_selekh,” Instagram caption ni Eala, No. 3 sa ITF juniors, kahapon.
“Didn’t go my way in singles but beyond proud to say we won the title for Roland Garros girls doubles 2021,” dagdag niya, na ang tinutukoy ay ang early exit niya sa singles event ng torneo.
Unang nakuha ni Eala ang kanyang Grand Slam title sa 2020 Australian Open doubles kapartner si Indonesian netter Priska Nugroho.
At gaya noong nakaraang taon, nagpaabot ng pagbati ang Rafa Nadal Academy sa tagumpay na nakamit ng isa sa kanilang scholars na si Eala. (ANN ENCARNACION)
183
