Ni ANN ENCARNACION
UMABANTE si teen ace Alex Eala sa quarterfinals ng W25 Madrid matapos ma-upset ang seeded No. 4 sa torneo na si Xiaodi You ng China, 6-4, 6-2.
Ang ITF Women’s World Tennis Tour sa Ciudad de la Raqueta sa Madrid, Spain ang ikatlong beses na quarterfinals ng 17-anyos na Pinay ngayong taon, mula nang manalo siya sa W25 Chiang Rai noong Abril.
Bago ang W25 Madrid, umabot din siya hanggang quarterfinals sa W25 series sa Thailand.
Sunod na makakasagupa ng WTA No. 419 na si Eala si No. 8 seed Alice Robbe ng France.
Si Robbe ang double’s partner ni Eala ngunit nabigo sila sa quarterfinal round laban kina Zoe Hives ng Australia at Katherine Sebov ng Canada, 0-6, 4-6.
Iskolar ng Rafa Nadal Academy at recipient ng International Tennis Federation (ITF) Grand Slam Player Development Programme, napanalunan ni Eala ang kanyang unang professional title noong 2021 sa W15 Manacor tournament sa Spain.
Mayroon naman siyang dalawang junior grand slam titles mula sa 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)