EJ OBIENA: LAYA NA MATAPOS MAKULONG

UMIRAL na naman ang “utak-talangka” ng ilang kababayang Pilipino at ang naging biktima ay si Olympian at Asian pole vault record holder EJ Obiena.

Sa panahong akala ni Obiena ay tapos na ang problema niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), mayroong nagsumbong umano sa US Department of Homeland Security na sariwa pa ang kaso.

Resulta: Nakulong ng 12 oras ang 26-anyos at current world no.6 pole vaulter.

Si Obiena ay ­dumating sa Los Angeles Inter­national Airport noong Hulyo 7 mula Italy kung saan siya naka-base, para sa training camp sa Chula Vista kaugnay sa paglahok sa World Athletics Championships sa Eugene, Oregon. Nakatakda ang qualification round sa Hulyo 22 habang ang finals ay sa Hulyo 24.

Kaya nagulat si ­Obiena nang dakpin ng US Immigration, na nagpakita ng kopya ng ilang news items patungkol sa nakaraang issue ng pole vaulter at PATAFA, na nag-akusa sa kanya ng pagpalsipika ng liquidation ng allowances mula sa Philippine Sports Commission.

Matatandaang nagsagawa ng mediation ang PSC at naayos ang gusot kaya’t nakasabak at nadepensahan ni Obiena ang kanyang korona sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Matapos ang 12 oras, naliwanagan ang US Immigration at pinakawala ang Pinoy pole vaulter at hinayaan itong magpa­tuloy sa training camp sa Chula Vista.

Ayon sa team Obiena, kumuha sila ng abogado “to fully cooperate with all parties to investigate this matter as false whistleblowing violates multiple US laws.”

“It was an unfortunate incident to be held in detention without fully understanding the basis,” pahayag naman ni EJ.

“It definitely threw me off a bit. But it worked out. I’m back in training and focused on doing my best for my country,” sabi pa niya. (EDDIE G. ALINEA)

176

Related posts

Leave a Comment