Si Mr. Nico Mamon, Division Head ng Organization Development and Corporate Planning (ODCP) at Integrated Marketing ng Enchanted Kingdom (EK), habang inaanunsyo ang iba pang paghahanda sa 30th anniversary ng EK sa October 18 at 19, 2025.
Mula sa isang linggo pagbuhos ng ulan, tila inulan din ng blessings ang ginanap na Eldar’s Mega Birthday Bash noong August 2, 2025. Maganda ang panahon at walang pag-ulan kaya naman ang selebrasyon ay in-enjoy ng pami-pamilya lalo na ng mga bata.
Si Eldar the Wizard ang cute at beloved character simula nang magbukas ang theme park na Enchanted Kingdom (EK) noong October 19, 1995.
Wala talagang nakakaalam kung ilang taon na si Eldar, pero nang magsimula ang Enchanted Kingdom ay nagsimula na rin ng magic at excitement si Eldar sa EK lalo sa rides and attractions nito.
Sa kanyang birthday celebration, nagsimula ito nang 2PM sa Spaceport Grounds ng EK at bahagi ng activities ang Eldar’s Birthday Parade, Fireworks, Magic Performances, at iba pang fun and surprises. Naki-party din dito ang showbiz love team na sina Fyang Smith at JM Ibarra na mga bida sa romcom series na “Ghosting.”
Maliban kay Eldar, narito rin ang kanyang iba pang mga kaibigan na sina Balasik, Aruga, Sigla, Benny, T-Tops, Morgom, Cromatia, Ogg, Snaptooth at iba pa. Umabot din sa mahigit 12 mascots niyang mga kaibigan ang nagbigay saya sa guests.
Natatanging imahe ng EK
Taglay ng Enchanted Kingdom na ito pa rin hanggang ngayon ang una at tanging world-class na theme park sa Pilipinas.
Mahigit sa 30 rides and attractions ang mae-experience sa EK, at ang isa sa pinakabagong rito ay ang EKlipse. Ito ay isang 32-seater and 36-feet ride na kaya kayong iikot-ikot sa ere.
Aabangan sa October
Sa October 18 at 19, masasaksihan ang isang 2-night weekend ng 30th anniversary ng EK na kabibilangan ng anniversary merchandise, anniversary food offering at iba pang surprises.
Muling magbubukas ang ilang rides para higit na makumpleto ang world-class themed rides ng EK na siguradong hindi palalampasin ng guests – bata man o matanda.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nakasara ang Agila: The Eksperience at ang Space Shuttle dahil inihahanda ito sa mas pinahusay na fun and enjoyment na maibibigay.
Ang Agila: The Eksperience ay isang 9-storey building na iba’t ibang atractions ang makikita sa loob. Ang pinaka-higlight ay ang ride mismo nito – ang first flying theater sa Pilipinas pero ito ang pinakamalaki sa buong mundo. Sa pagsakay, ililibot kayo sa buong Pilipinas mula sa good screen quality. Ang paglilibot ay mararamdaman dahil para rin kayong nakasakay sa agila.
Feel ninyo pa ang thrill? Ibabalik din ang Space Shuttle na thrilling roller coaster ride na kaya kayong iikot-ikot nang pabaliktad nang anim na beses sa loob ng dalawang minuto.
Mga bagong bukas na kainan
Bukas ang EK mula 11:AM hanggang 8:00 PM. Dahil sa mas lumalaking bilang ng guests at bilang dagdag choices, ang pinakabagong kainan at tambayan sa EK ay ang Starbucks at Mary Grace na bukas mula 8:00 AM hanggang 10:00 PM.
Si Eldar the Wizard ang cute at beloved character ng Enchanted Kingdom na nagkaroon ng pagdiriwang sa kanyang Mega Birthday Bash noong August 2, 2025 sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa. Laguna.
