ELECTION PROTEST NI MARCOS LABAN KAY ROBREDO BUHAY PA!

PRO HAC VICE

Ito ang lumalabas sa na­ging kautusan ng Supreme Court en banc na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa election protest ni dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. laban kay Vice President Maria Leonor Robredo.

Wala kasing naging malinaw sa kautusan ng PET kung ititigil na ba ang pagbibilang sa mga natitirang polling precinct na nakapaloob sa election protest ni dating Sen. BBM.

Batay kasi sa naging aksyon ng SC en banc na tumatayong PET sa election protest ni Marcos laban kay Robredo, na-i-release sa magkabilang kampo ang committee report ng revisors na nagsagawa ng revision at appreciation ng mga balota sa tatlong pilot provinces na nakapaloob sa protesta.

At pinagsusumite rin ang magkabilang partido ng kanilang komento kaugnay sa naturang revision at appreciation ng ballot boxes sa tatlong pilot provinces.

Samantala, pinagsusumite naman ang magkabilang kampo ng memoranda sa loob ng 20 araw sa sandaling natanggap na nila ang kautusan ng PET.

Ito’y may kaugnayan sa iba pang isyu sa hurisdiksyon at iba pang usapin para sa 3rd Cause of Action sa election protest ni Marcos na may kaugnayan sa pagpapawalang-bisa sa resulta ng election sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao noong 2016 Vice Presidential Race Election. Dito ay mayroon namang dissenting opinion sina AJ Antonio Carpio at Alfredo Benjamin Caguioa.

Samantala, ayaw pang magkomento ng kampo ni BBM kaugnay sa naging aksyon ng PET sa kanilang election protest hangga’t ‘di pa nila nababasa ang kautusan ng korte. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

154

Related posts

Leave a Comment