Emergency Preparedness and Response Protocols minobilisa 2 DAM SA NORTHERN LUZON NAGPAKAWALA NG TUBIG

NAKARANAS ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Hilagang Luzon bunsod ng umiiral na Shearlines dahilan para magbukas at magpakawala ng tubig ang dalawang malaking dam sa rehiyon nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng state weather bureau, apektado ng shearline ang Northern Luzon na siyang nagdudulot ng tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan na nagpapabaha rin sa ilang lugar.

Dahilan upang muling magbukas ng floodway gate ang Magat Dam at Binga Dam, dalawang malaking dam sa Northern Luzon sanhi ng patuloy na pag-ulan.

Bunsod ng mga pag-ulan ay tuloy-tuloy rin ang daloy ng tubig sa mga tributaryo ng mga dam kaya inaasahang magpapatuloy rin ang pagpapakawala ng tubig sa mga ito.

Ayon sa ulat ng Hydrology Division ng Department of Science and Technology, nagsimula nang magpakawala ng tubig ang Magat dam at Binga dam nitong Lunes ng umaga.

Sa Binga dam, bukas ang isang gate nito at nagpapakawala ng kabuuang 38 cubic meter per second ng tubig.

Sa Magat dam naman, unang binuksan ang floodway gate nito at nagpapakawala ng 181 CMS ng tubig ngunit tuluyan ding itinaas sa 411 CMS dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan.

Samantala, activated na ang Emergency Preparedness and Response Protocols para matiyak ang maayos na takbo ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na sinimulan nitong Lunes at tatagal hanggang Oktubre 18, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), kasama nila sa ahensyang nangunguna rito ang National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Katuwang din nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pangangasiwa ng trapiko dahil libo-libo ang inaasahan nilang dadalo sa ministerial conference.

Nitong Lunes ay nagsagawa ng inspeksyon si Civil Defense NCR Director George Keyser at Department of Health Undersecretary Gloria Balboa sa medical clinic ng PICC na siyang venue para sa conference.

Layon ng conference ang pagtalakay sa disaster risk challenges na kinakaharap ngayon ng Asia-Pacific Region at kung paano ito aaksyunan. (JESSE KABEL RUIZ)

161

Related posts

Leave a Comment