EMPLOYERS NG MGA TATAMAAN NG COVID-19, ‘DI DAPAT KASUHAN

IPINALILIGTAS ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa anomang kaso ang mga private employer na magkakaroon ng empleyado na magpopositibo sa COVID-19 sa kanilang trabaho.

Nilinaw naman ni Sotto sa kanyang Senate Bill No. 1515 o ang proposed “Employer’s Liability Protection from Covid-19 Act” na hindi ito “absolute blanket shield” sa anomang pananagutan para sa mga employer dahil hindi saklaw ng panukala ang kasong krimen.

Binigyang-diin ni Sotto na kailangan nang muling palakasin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng senador na alam naman ng mga employer at mga may-ari ng negosyo ang panganib sa kanilang mga empleyado at ang kanilang responsibilidad sa mga manggagawa.

Naniniwala si Sotto na sa pamamagitan ng panukala, mas maraming maliliit na negosyo ang magiging kampante sa pagbubukas at makababawas sa pagbagsak pa ng ekonomiya.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Sotto ang mga employer na sumunod sa mga batas at community safety protocols ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng virus. (DANG SAMSON-GARCIA)

166

Related posts

Leave a Comment