BATA pa ay pangarap na talaga ng Kapuso singer/songwriter na si Anton Paras ang maging isang sikat na singer, tulad ng mga hinahangaan niyang Kapuso talents, particular na si Julie Anne San Jose na pangarap niyang makasamang kumakanta on stage balang araw.
Balik tanaw ni Anton madalas siyang mabalewala at ultimo mga kaibigan niya ay nagdududa na magiging Kapuso artist din siya balang araw.
Hindi nawalan ng pag-asa kahit pinagduduhan ang kakayahan sa pagkanta ay ipinagpatuloy niya ang pangarap at hindi naman siya nagkamali dahil kinuha siya ng GMA para tuparin ang pangarap maging isang singer.
Naniwala na rin ang mga kaibigan nang magkaroon siya ng poster kasama ng mga Kapuso talent.
Their feelings towards their object of affection but no avail , Anton wanted to write a relatable song, so wrote BInabalewala for hopeless romantic.
“Gusto ko po makagawa ng song na marami po talaga makakarelate, kahit anong age po sila. Then `Binabalewala` po yung title kasi yung story po ng song is may guy na tina-try po niyang ipakita
yung efforts niya sa girl pero hindi po siya pinapansin, doon po papasok yung title na Binabalewala,” pagbabahagi ni Anton.
“Super na-excite po talaga ako nung malaman ko na magre-release po ako ng kanta. Sinabi ko po agad kay Sir Pau Agudelo na gusto ko po itong i-record agad kasi yung Binabalewala po yung favorite song ko so far sa mga na-compose ko,” dagdag pa niya.
Bilang multi-talented. Anton continue to explore different song genres, “Gusto ko po maipakita na I can do a lot of genres, na hindi lang ako pang R&B Ballads.Gusto ko po ma-showcase yung versatility ng voice ko.”
Mensahe niya sa lahat ng hopeless romantics, “Lagi naman pong may failure. `Wag na lang po masyadong dibdibin ang heartbreaks and move on to the next kasi sabi nga po nila, `There`s a lot of fish in the sea”. (GERRY OCAMPO)
1283