MAGGIE, ‘DI AALIS NG BAHAY KAHIT PUTULAN NG KURYENTE

NAG-POST ang former beauty queen na si Maggie Wilson sa kanyang Instagram story ng,”Just finished a 3-hour meeting with my lawyers. I am ready to fight.”

Galing sa Divina Law ang mga abogado ni Maggie na bukod sa magagaling ay mahal ang bayad

Pagdating sa mga lawyer ay siguradong hindi rin patatalo ang mga abogado ni Victor Consunji dahil magagaling at expensive rin ang kukunin nito sa isinampang kasong adultery laban kay Maggie at sa itinuturong third party na hiwalayan nila na si Tim Connor.

For now, siguradong panalo sa court battle ng estranged couple ay ang kani-kanilang abogado, ‘di ba?

Anyway, kinukumpara ang court battle nina Maggie at Victor sa naging court battle nina Johnny Depp at Amber Heard.

Sa latest post ng former beauty queen ay short hair na ito, na ayon sa mga supporter ready to fight na ito.

Limitado na ang puwedeng mag-comment sa IG ni Maggie, pareho na sila ni Victor na hindi na open ang comment box sa lahat.

Samantalang kahit walang latest post si Tim Connor ay sinugod pa rin ang IG nito. May namba-bash at nag-comment na bilhan na lang nito ng bahay si Maggie.

Pero kahit siguro bilhan ng bahay ni Tim ang former beauty queen nagpahayag si Maggie na hindi aalis sa conjugal property nila ni Victor kahit pinutulan pa sila ng kuryente.

Nagpasalamat si Maggie sa nag-provide sa kanila ng generator at sa kanilang neighbor na nag-share ng electricity. Marami na ang nag-aabang sa kung ano ang kalalabasan ng court battle ng dating mag-asawa.

Open kaya sa public ang magiging hearing ng dalawa?

183

Related posts

Leave a Comment