ENVIRONMENTAL INITIATIVES NG VILLAR SIPAG FOUNDATION KINILALA NG DENR

Senator Cynthia A. Villar receives the Award for Villar SIPAG from DENR-OIC Atty. Ernesto Adobo. Also in photos are; DENR-NCR Regional Director Jacqueline A.Caancan; Regional Director, EMB-NCR- Atty. Michael Drake P. Matias and DENR Usec.for Finance, Information,Systems and Climate Change Atty. Analiza R. The.

PINARANGALAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Villar SIPAG, foundation na itinayo ng pamilya ni Sen. Cynthia A. Villar, dahil sa dedikasyon nito at patuloy na suporta at kontribusyon para sa mas malinis, malusog at luntiang kapaligiran.

Ginanap ang awarding ceremonies sa pagdiriwang ng ahensya ng Environmental Summit and Exhibit 2022 noong July 14, 2022 sa Manila Hotel.

Sa kanyang keynote message, pinasalamatan ni Villar ang DENR sa parangal at nangakong patuloy ang kanilang paglinang ng kaalaman at paghikayat sa lahat upang mabawasan ang basura.

“We appreciate the recognition because it validates our commitment that we are doing something right for the environment and we are looking forward for other communities to follow our lead,” sinabi ni Villar sa summit na may temang “Strengthening Waste Management for a Healthier Environment.”

Pinuri rin niya ang organizers sa pagbibigay diin sa solid waste management best practices na maaaring tularan ng LGUs, mga komunidad at pribadong samahan sa buong bansa.

Noong mga nakaraang taon, ipinahayag ni Villar na kaakibat ang Villar Sipag, itinatag nila ang barangay-based livelihood enterprises na modelo ng tamang waste management at magandang halimbawa kung paano pakikinbangan ang mga basura.

“The raw materials we use in the livelihood projects are from wastes,” giit ni Villar, isang masugid na environmentalist na kilala sa recycling efforts sa kanyang waste management drive.

Inilahad niya na ang mga ito na water hyacinths sa water lily handicraft-weaving enterprise at handmade paper factory, waste coconut husks sa coconet-weaving enterprise at charcoal-making factory, kitchen at garden wastes para sa organic fertilizer composting facility at plastic wastes sa waste plastic recycling factory na gumagawa rin ng school chairs.

Ipinagmalaki ng senador na umabot na sa mahigit 3,000 sa buong bansa nang mga proyektong ginagaya ng maraming samahan.

Sa kanya ring mensahe, tinukoy din ng senador ang composting na pinangunahan niya sa kanyang bayan sa Las Piñas. Iginiit ni Villar na alinsunod din sa RA 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act at RA 10068 or the Organic Agriculture Act ang composting na nasosolusyunan ang mga problema gaya ng basura, pagkasira ng lupa at basura mula sa pagkain.

“We have 67 composters spread out in 20 barangays in the city, which are utilized by 70,000 households, and produce 70 tons of organic fertilizers monthly. In turn, these organic fertilizers are being distributed to towns so their farmers may no longer need to buy fertilizers, ” sabi pa ni Villar.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, inakda at pinagsumikapan ni Villar na maisabatas ang Extended Producer Responsibility (EPR)Act of 2022.

“The bill institutionalizes the extended producer responsibility on plastic packaging waste, amending “Ecological Solid Waste Management Act of 2000″. ”
Aniya, ang EPR legislation ang tugon sa mga panawagan tungkol sa dumaraming plastic wastes. (ESTONG REYES)

353

Related posts

Leave a Comment