‘EPAL’ BOARD BINAKLAS SA EXPIRED NA KONTRATA

TAYTAY, Rizal – Makaraang tuligsain at makaladkad sa intriga, nanawagan kamakailan ang isang negosyante na huwag sila idamay sa usaping pulitika at tunggalian ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan.

Sa isang kalatas na inilabas ng Holistic Marketing Services na may-ari ng ilang billboard sa Barangay Dolores, walang bahid pulitika ang kanilang pasyang baklasin ang billboard kung saan nakapaskil ang mukha ni Konsehal Pia Cabral.

Anila, paso na ang kontrata at lagpas na rin aniya ang kanilang palugit na ibinigay para sa posibleng renewal ng kasunduan.

Giit ni Cherry Pie Balabad na tumatayong Marketing Manager ng nasabing kumpanya, sila’y namumuhunan ng pera para kumita at hindi para masuba lang dahil matapos magbigay ng downpayment sa kanilang pinapaarkilang billboard ay hindi na umano nakipag-ugnayan pa sa kanila ang nasabing indibidwal.

Aniya, bukod sa hindi na nasundan pa ang downpayment, lubha din nila umanong ikinagulat na mas malaki pa ang mukha ng konsehala kaysa sa kumpanyang dapat sana aniyang higit na prominente.

Pagtatapat pa ni Balabad, lubhang naapektuhan ang kanilang negosyo sa mga patutsadang ipinupukol sa kanilang kumpanya ng grupong sumusuporta diumano sa konsehalang kandidato ngayon para Vice Mayor ng Taytay.

Dagdag pa niya, sila mismo ang nagpasyang baklasin ang higanteng billboard ni Konsehal Cabral na umano’y mismong kausap nila para sa pagpapakilala ng isang klinika, bagay na malayo sa ikinabit na dambuhalang tarpaulin sa kanilang billboard.

“We were made to believe that Councilor Cabral would be promoting a business for content… a clinic to be exact. Although, the name of the clinic was there, masyadong negligible as compared to Councilor Cabral’s face that was prominently posted on the tarp,” saad ni Balabad.

Kasabay nito, masusi na rin anilang pinag-aaralang magsampa ng kaukulang asunto sa mga anilang maling parang sa kanilang kumpanya – “We will not allow our company to be used for any political propaganda. That is for sure.” (KNOTS ALFORTE)

163

Related posts

Leave a Comment