Kamakailan ay nabalot ng lungkot at galit ang mga OFW dahil sa napabalitang pagkamatay ng isang OFW sa Kuwait na si Constancia “Connie” Dayag. Matapos lamang ng ilang linggo ay may napabalita na namang isang OFW sa Kuwait na namatay din sa Al Adan sa Kuwait na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw ang sanhi nito.
Dahil dito, ay samu’t sa¬ring reaksyon ang lumabas sa social media kabilang na ang panawagan sa mu¬ling pagdeklara ng deployment ban ng mga household service workers (HSW) sa Kuwait. Ang Ako OFW ay nagsagawa ng online survey sa aming Ako OFW Inc. page na kung saan ay aming tinanong kung “Sang-ayon ba kayo sa pagkakaroon muli ng Deployment Ban sa Kuwait?”
Sa 3,648 na nakilahok sa online survey, 96% ang nagsasabi na dapat lang na magpatupad muli ng deployment ban sa Kuwait, samantala ang apat na porsiyento ay mga hindi naman sumasang-ayon.
Sa aking pananaw, bago pa isipin ang muling pagpapatupad ng deployment ban ay dapat munang ipatupad ang maraming iba pang paraan para sa seguridad at kapakanan ng mga OFW. Nauna ko nang tinukoy ang pagbalasa sa mga tauhan ng embahada sa Kuwait dahil nagiging mababa ang respeto ng mga ibang lahi dahil sa nababalitang ang mga kaso ay nababayaran kung kaya wala namang kinatatakutan ang mga employer.
Bukod pa rito, dapat din na muling ipanawagan ang matagal nang nakabinbin na pagpapatupad ng escrow deposit para sa mga foreign recruitment agency. Ang escrow deposit ay magsisilbing perang panggarantiya na kung saan, sa oras na may paglabag o kapabayaan ang mga ahensya sa Kuwait ay dito kukunin ang anumang benepisyo o multa. Kabilang na rito ang mga unpaid salary o mga sweldong hindi binayaran ng employer at maging anumang dapat singilin.
Magugunita na ito ay sadyang ipatutupad na ng POEA, ngunit isang mataas na opis¬yal na nasa Malacañang ang humarang dito, dahil diumano sa pagla-lobby ng mga samahan ng ahensya sa Kuwait. Kaya nga matapos na maiurong ang implementasyon ng escrow deposit ay umugong ang balitang malaking pera ang natanggap ng nasabing opisyal mula sa samahan ng mga ahensya sa Kuwait.
Ang Ako OFW ay mu¬ling nanawagan kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, na panindigan ang desisyon ng POEA Governing Board para ipatupad at obligahin ang mga foreign recruitment agency na maglagak ng escrow deposit para sa kapakanan ng mga OFW.
oOo
Ang Ako OFW ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga OFW. Ipadala po lamang ang inyong mga sumbong o reklamo sa a¬king email sa ako.ofw@yahoo.com
168