DUMALO sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senador Joel Villanueva sa Jesus is Lord (JIL) Church Worldwide Vision Casting 2025 noong Sabado (Pebrero 8) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa pangunguna ng kanilang Founder at Spiritual Director Bro. Eddie Villanueva, inilunsad ng JIL ang kanilang Executive Selection Committee na naatasang mamili ng mga kandidatong kanilang susuportahan.
Dinaluhan ng mahigit 15,000 pastor, church leaders at workers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao maging sa iba’t ibang parte ng mundo ang nasabing pagtitipon. (DANNY BACOLOD)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)